Tuesday, February 11, 2014

NETWORK MARKETING EXPLANATION:

Marami ang hindi nakakaalam kung ano ba ibig sabihin ng NETWORKING or NETWORK MARKETING...Kaya kadalasan ang pagkakaintindi nila ay eto ay mabilisang paraan para kumita ng pera sa pamamagitan ng tao tao lamang.In short,eto daw ay isang SCAM OR PYRAMIDING...
Pero kung uunawain mo at pag aaralan mong maiigi bago mo bigyan ng negatibong konklusyon ang Networking or Network Marketing ,..ito ay isang uri ng negosyo na napakaganda pala
Ano ang NETWORK MARKETING?....Meaning "WORD OF MOUTH ADVERTISING" Ito ay isang strategy sa negosyo kung saan ang ginagamit para irekomenda sa mga mamimili ang isang produkto sa pamamagitan ng pakikipag usap o' pakikipagkwentuhan lamang.Ito ay isang strategy ng isang bizniz para makatipid sa mga expenses nila sa mga pagpapagawa ng mga billboards at pagkuha ng isang sikat na artista para lamang iindorso ang isang produkto.Oo nga naman,hindi ba kapag artista ang kinuha mo ay babayaran mo ng milyones para lamang maipakita ang produkto at tangkilikin eto.Ang hindi masyadong kagandahan dito ay isang tao lamang ang binayaran ng kompanya at sya lang ang kumita dito.
Kaya naiisip ng kompanya,mas maganda na yung mga member na ng kompanya ang mag endorso nito sa kapwa nila konsyumer para nang sa ganun eh sila ang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng INCENTIVES sa bawat maibebenta nilang produkto o' maipapasok na member dito Hindi ba mas maganda na habang nagkikiwento ka lang sa kaibigan mo tungkol sa produkto na gamit mo ay may bonus kapa na nakukuha galing sa kompanya mo?:-)
Kung iisipin eh sa araw araw nating pamumuhay ay ginagamit na natin ang salitang "NETWORKING" ngunit hindi lang natin eto napapansin.Bakit?...Eto ang isang halimbawa ng isang networking na tinutukoy ko,...Isang araw kumain ka sa Bagong tayo na Restoran sa lugar nyo.Pumasok ka ngayon at sinubukan mo kung masarap nga ang mga pagkain dito.Nung matikman mo na masarap nga ang luto sa restoran na iyon,kinewento mo eto sa malalapit mong kaibigan pati na rin sa pamilya mo na napakasarap ng pagkain sa bagong restoran sa lugar nyo .Pumunta din sila dun at sinubukan din nilang tinikman ang mga pagkain sa nasabing restoran.Hanggang sa Dumami ng dumami ang mga kumakain sa restoran na iyo dahil lamang sa pagpaabot mo ng isang salita na "MASARAP" ang pagkain sa kanila.Hindi ba NETWORKING ang pamamaraang ito?

Ang tanong.....Kumita kaba sa ginawa mong kwento? Nabigyan kaba ng BONUS o' INCENTIVE ng may ari ng restoran?
Binigyan kaba ng REWARD sa mga referral na ginawa mo? Hindi di ba? Ano gusto mo? yung may bayad na kwento o wala?
Ang punto ko dito ay pag inaalok po tayo ng ating mga kababayan tungkol sa "NETWORKING BIZNIZ" ay hwag po tayong matakot o ipagpawalang bahala lamang ito.Bagkus ay isearch po natin at aralin ang tinutukoy na company kung sya ba LEGAL AT LEHITIMO sa larangan ng NETWORK MARKETING " bizniz na ito Napakalaking bagay po ito sa atin kapag nagawa natin ito, kasi kahit sa bahay po lamang tayo ay magkakapag GENERATE tayo ng income Hindi po natin kailangan kumayod ng 8 hanggang 10 oras sa negosyong ito,at importante sa lahat ay ikaw ang "BIG BOSS" sa larangan ng negosyong ito...

No comments:

Post a Comment